Sunday, October 12, 2014

The Necromancer is one of CJ Dee's novel for Black Ink Comics.





Sinigurado kong nakakandadong maigi ang pinto sa unang palapag at sarado rin ang mga bintana kaya paanong nandirito siya at kasa-kasama ko? Para siyang multo na bigla-bigla na lang susulpot. Baka panaginip ko lamang ito at parte siya niyon. Tama.

At bakit nga ba ako nag-aalinlangan na makasama siya? Buong buhay niya, wala siyang ginawang masama sa akin… oh, baka nagkakaganito ako dahil ako ang may ginawa sa kanyang masama noon? Sa sobrang sama nu’n ay napanaginipan ko pa.

More about the book here ->http://thenecromancerbin.weebly.com/

The Second Vow (Div x Redder)




Warning 1: Wala itong kinalaman sa actual story ng Forlorn Madness. Fanfiction ito.
Warning 2: BOY X BOY! Not fond of boy x boy? Shooooooo!
Warning 3: WALANG LOVE SCENE
Warning 4: BITIN ITO!



The Second Vow

“Wala ka nang maisip na gawin, hindi ba? Kaya akin ka na lang…”

Hawak siya ni Solace sa kanyang leeg. He is slowly lifting him up the ground. Baliwala iyon sa kanya. Wala siyang nararamdamang kahit na ano; ang tanging mayroon lang siya ngayon ay kuryosidad.

He got more curious with his own self. Kung bakit wala siyang pakialam; kung bakit siya nababagot sa mga bagay-bagay… Bakit kailangan niyang timbangin ang bigat ng bawat tama at bawat mali? Bakit wala siyang laya na magdesisyon kung ano ang gusto niyang paniwalaang katotohanan at kasinungalingan?

“Papatayin mo ba ako kung ibibigay ko ang sarili ko sa’yo?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Redder kay Solace. He remained still, without any plans to get away from Solace’s clutches.

Solace never answered. But he loosen his grip on Redder’s neck kaya bumagsak ito, hindi sa solid ground kundi sa isang lawang kulay itim na nito lang nagmanifest. It must be Solace’s doing.

Iba ang consistency ng lawa. It’s nothing like water; it’s like black ink or black blood. Kung anupaman iyon, tuloy pa rin ang paglubog doon ni Redder.

With no sense of purpose and completely bored, ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang mapansin niyang may talim mula isang mahabang espada ang lumagos sa bandang dibdib ni Solace na galing sa likuran nito.

Natalsikan pa si Redder ng maitim na dugo ni Solace bago siya tuluyang nilamon ng lawang itim.

Samantala, dahan-dahang nahila mula sa likuran ang talim na sumugat kay Solace. Itinaon niyang tuluyang mahila ang talim; pumihit siya paharap sa kung sinong sumaksak sa kanya. He got the hold of the blade smutted with his own blood. “Hindi ako maaapektohan ng kahit na anong sugat—”

Nagkita na naman sila ni Div, ang tanging nilalang na kapareho niya ng kapangyarihan. Div is becoming a pain in the ass na hindi sana mangyayari kung dati pa lang ay iniligpit na niya ito.

“—Pero maaapektohan ka kapag tinadtad ko sa napakaraming piraso iyang katawan mo,” Div retorted.

Solace jerked the blade away from him. “Pinagbabantaan mo ba ako?” He asked in full earnest. “Bakit ka ba nandito? This has nothing to do with you. Siya ang kusang pumunta sa akin.”

“Wala akong pakialam sa iyo kaya lahat ng sasabihin mo ay hindi ko iintindihin. Ibalik mo ang prinsipe ko. Tapos.”

Nagkibit-balikat lamang si Solace. Siguro ay dapat na niyang kainisan ang kaharap na Alta; ngunit matagal na niyang kinalimutan kung paano ang mainis. Mas komportable pa rin siya kung blangko ang lahat ng kanyang ekspresyon.

Slowly, his body is liquefying. Nagsimula iyon sa kanyang mga paa, pataas sa kanyang binti. Unti-unti na siyang sumasalo sa itim na lawang tinutuntungan niya.

“Huwag mo akong lalayasan, duwag!” sigaw ni Div sa kanya.

“Hindi ba kakasabi mo lang na wala kang pakialam sa akin? Bakit ayaw mo akong umalis? Magulo kang nilalang. Sisirain mo lang ang maayos kong pag-iisip. Hayaan mo, kapag nagkaroon na ako ng sapat na dahilan para patayin ka, hindi ako mag-aatubili na puntahan ka.”

Kasabay nang tuluyang pagsanib ng katawan ni Solace sa mala-tintang likido na nasa sahig, pawala na rin nang pawala ang lawa.

Hindi ito maaari, saisip-isip ni Div.

He stepped on what remained in the lake of darkness. Nasaktan siya nang sinubukan niyang pasukin ang kadilimang pag-aari ng panibagong shadow lord. Para siyang sinuwag ng kidlat na may napakataas na boltahe.

Kahit aanga-angang  tingnan ang isang Solace Vral, hindi dapat ito minamaliit. Halos magkapantay lang sila ni Solace… at hindi siya makakapayag doon. Hindi puwedeng dalawa ang magmay-ari sa kapangyarihan ng kadiliman.

Div concentrated. The dark waters underneath his feet simmered. This time, hindi niya nilabanan ang opposite force, nag-adapt siya rito. Moments later, he was being absorbed inside. Everything goes well. Nagtuloy-tuloy ang pagkahulog niya sa karagatang ginawa ni Solace.

Natanaw niya kaagad ang pakay niya. He got a grip of Redder’s arm. Bahagya itong nagdilat. Gaya ng dati, wala itong kahit na anong ekspresyon; pero halata ni Div ang panghihina nito at ang paghihirap.

Redder cannot adapt to their current environment. He cannot breathe. The darkness is slowly consuming him.

Div steadied Redder’s head. Kailangang makahinga ni Redder hanggang sa makaahon sila. Without any second thoughts, he moved his face close enough to Redder’s. It looked like he just kissed him, but it has to be done so he could give him air.

Huminga ka, ‘wag mo akong pahirapan, Iyon ang gustong i-relay na mensahe ni Div sa kanyang prinsipe nang mariin niyang hawakan ang magkabilang balikat nito.

Hinila ni Div paitaas si Redder. Malayo-layo rin ang surface na pinilit niyang abutin para tuluyan nang makaalis sa teritoryo ni Solace.

Naiahon niya sila sa madilim na sulok ng aklatan sa kastilyong tinitirahan ng prinsipe. Sapilitan niyang hinila at pinaupo ang kanyang prinsipe sa isa sa mga couch. Div leaned on with his hands rested on the armrests.

Hindi siya makapaniwala na magagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin para lang sa isang payasong wala nang kabuhay-buhay.

Binago siya ni Redder. Isa iyon sa mga hiwaga sa buhay niya na ayaw niyang bigyan ng paliwanag.

Kahit pa mayroon silang hostility sa isa’t isa at maraming beses niyang pinagtangkaan ang buhay nito, heto pa rin sila. Bound to each other with more than just prince-knight ties.

“Tss…” hindi na itinago ni Div ang asar. Hinila niya mula sa daliri ni Redder ang signet ring na simbolo ng kanilang long standing agreement. Mukhang ito na ang huling araw niya sa serbisyo. Puwede rin namang hindi pa…

Para bang nabuhusan ng tubig si Redder sa ginawa ni Div. Kumurap-kurap siya habang pinagmamasdan ang singsing na hawak ni Div. “B-Bakit mo kinuha iyan sa akin? Ibalik mo!”

Lihim na natawa si Div. May pagkagahaman rin ang payaso. Wala nang maisip gawin sa buhay pero ayaw pang pakawalan ang mga pag-aari.

Div suddenly popped the ring inside Redder’s mouth.


Ito na ang ikalawang pagkakataon niya na susumpa sa signet ng singsing. And to seal his second vow, he roughly kissed Redder.

A Bad Weather (GM x Hype)


Warning 1: BL po ito. BOY X BOY! Huwag mo basahin kung hindi mo trip.
Warning 2: Mababaw na BL. Huwag mong basahin kung hardcore trip mo.
Warning 3: Wala itong relasyon sa on-going story ng Forlorn Madness 2014. Fanfiction lang ito.





Cancelled ang live dahil sa masamang panahon kaya badtrip na badtrip na badtrip si Hype. Ayaw na ayaw pa naman niya nang hindi nasusunod ang planned schedule niya.

Pero alerto si GM sa mga mood swings ng kaibigan. Siya ang taga-box out kay Hype kapag nasa hitsura nito na parang gustong pumatay.

Inakbayan ni GM si Hype at iginiya sa dressing room na laan para sa Tuna Wars. Hype slumped on one of the couches and massaged his temples.

“Hoy, saan kayo pupunta?!” Hinarang ni GM ang mga papasok sanang bandmates. Mabilis siyang sumulyap kay Hype bago makahulugang tumingin sa mga ka-banda niya na agad namang naintindihan ng mga ito.

They wouldn’t dare throwing out shits kapag ‘bad mood’ ang manager nila.

“Tara, tara. Doon tayo sa kabilang kuwarto,” yaya ni Dime, ang bassist ng band.

Pagsara ng pinto, naglaho na parang bula si GM at sa isang iglap, nasa harap na siya mismo ni Hype, nakahalukipkip. “Umayos ka nga? Move on. Walang may kasalanan kung bakit nasira ang plano mo.”

Masama pa rin kung tumingin si Hype. Most of the fans of Tuna Wars claimed that he is a ‘cute’ guy, with a horrible temper though. Ang tanda-tanda na, nagtatantrums pa, sabi nga ng kanilang Lady Shall.

“Umuwi na tayo,” suhestiyon ni GM sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ni Hype. “Masama nga ang panahon, ‘di ba? Mababasa ang suot ko.”

“Sasabihin ko sa Porter na idikit sa exit ang pinto ng carriage niya.”

“No. Mukhang tanga.”

“You can teleport.”

“No”

“Papayungan kita.”

“No.”

“Papayungan kita tas bubuhatin kita.”

“Impossible. Hindi mo magagawa iyon, not unless you’ll grow extra hands.”

GM slouched on the opposite couch. “Okay I’m out of ideas. Let’s just stay here.” He smiled. Despite of his strong manly features, numerous body mods and tattoos, between him and Hype, siya ang masayahin at palangiti.

“Ano ba ‘yang kalat sa mesa?!” Pinansin ni Hype ang magulo at maduming mesa. Nagkalat doon ang tintang kulay itim, tubes, empty cans, and pepperonis everywhere.

“Ahh! Nagpa-henna tattoo sa akin si Dime. Alam mo naman ‘yung bampira na iyon, ayaw ng karayom. Ha-ha. At ayaw rin niya ng pepperoni sa ‘pepperoni’ pizza.”

GM suddenly had an idea. Kinuha niya ang kamay ni Hype at itinaas ang manggas nito. “’Di ba ang sabi mo dati gusto mo rin ng Henna tattoo?”

“M-May sinabi ba ako?” Hype was taken aback. May sinabi nga ba talaga siya? He’s not that fond of seeing tattoos. Stain on the skin ang tingin niya sa kahit na anong klaseng tattoo. So what the hell?

Ngunit huli na para tumutol pa siya. Nai-squeeze na ni GM sa balat niya ang henna. Hinayaan na lang niya. Mas maiinis siya kung hindi tapos ang tattoo. “Isang oras lang iyan, ha? Tapos pakibura na kaagad.”

“Isang oras?” amused na tanong ni GM. “Isang oras iyan bago matuyo. Paabutin mo naman ng isang linggo. Sayang naman ang superb artistry ko.”

“Whatever.”

Lumipas ang mga minuto. Masyadong tahimik. Hindi sanay si Hype na hindi dumadaldal si GM. Maybe it’s time to bring up something? Ano ang puwede nilang pag-usapan?

He took out his phone. Maghahanap siya ng article about Tuna Wars. Hindi pa niya nakukumpleto sa Google search ang pangalan ng Tuna Wars, nauna na ang search engine. Bumalandra ang pic na posted sa isang kilalang fansite ng banda.

Ibinagsak niya ang phone sa mesa. Kaagad napatingin doon si GM.

“Third time, Ganymede von Hairenn. Do you really have to do that?” Tanong hi Hype. Sa picture nakatuon ang kanyang paningin. A candid shot of Dime, giving GM a smack habang naglalakad sila sa isang walkway sa New York. Halata namang lip to cheek iyon pero nakakakulo ng dugo sa hindi niya maintindihang dahilan. Bakit ba hindi kasi siya sumama nu’ng nag- US tour ang band?

“Fan service,” painosenteng ngumiti si GM. “Alam mo ‘yung feeling na shi-niship ako nang sobrang hardcore kay Dime at wala kang magawa? Hindi, ‘di ba? Gusto mo bang basahin ang super hardcore naming love scene sa fan fiction doon sa tu—”

“Ayoko!” Hype immediately dismissed the fanfic suggestion. Kung magkuwento si GM, akala mo baliwala lang. Immune na yata. Pero siguro na-trauma rin si GM sa mga fan girls nito.

Sumablay siya roon as the band’s manager. Hindi naman niya pinakikialaman ang mga fan-related affairs ng Tuna Wars. Hinahayaan na lang niya ang mga ito na mag-deal sa kani-kanilang mga fanbase. Masyado iyong nakakakunsumi, sa palagay niya.

“Sorry…” Hype uttered.

“Sorry para saan?” Now GM looked more amused.

“I don’t know what you feel. Well, in the first place, I didn’t bother giving a single damn.”

“Interesado ka na ngayon?”

Marahang tumango si Hype.

“Pero hindi ko kayang mag-explain. I-demo na lang natin! Kunwari ako si Dime at ikaw naman si GM!”

GM glided up until his face is close enough to Hype.

“Ahh—Wait—!” protesta ni Hype, but he cannot really do anything now that GM is holding both his cheeks.

He tried to stay calm. He surely doesn’t want GM to hear his abnormal heartbeat?

Gm’s lips should land on the corner of Hype’s lips. But Hype slightly twitched. So what supposed to be a lips-to-cheek became lips-to-lips.

“S-SORRY!” lumayo kaagad si GM sa kaibigan. Siguradong yari siya lalo na’t wala siyang mahinuhang reaksyon sa mukha ni Hype.

Hype eyed GM sternly. “Ituloy mo.”

“What?!” absentminded na tanong ni GM.

Hype irritably grabbed GM’s collar until they’re face-to-face again. He flustered but still tried to sound daring. “T-That’s my first kiss. Hindi iyon dapat ganu’n kabilis!”

So, pinapairal na naman ni Hype ang pag-ka OC nito. Pinigil ni GM na matawa. He answered. “My pleasure…”

The second time their lips met, it’s not accident anymore. It’s an affair they both agreed upon. Nobody wants to hold back. GM proved to be a very good teacher and Hype is a very eager student. They only parted when there is not enough air for both of them to breathe.

Nagulat si Hype nang naglakbay ang kamay ni GM papunta sa niya. Para sa kanya, end of agreement na nila nang maghiwalay ang mga labi nila. GM is asking for real trouble if ever he wanted more than that!

Pero wala namang ginawang kung anong kabalbalan si GM. Inasistehan lang niya si Hype na sumandal sa balikat niya.

Hype focused on GM’s neck. He already knew what comes next.

“You can have my blood,” he heard GM in a husky tone.

Walang sinabig kahit na ano si Hype. Ibinuka na lang niya ang kanyang bibig. He let his pearl-white fangs sink into GM’s marbled skin.

They’ve been like this whenever they silently agreed into keeping something as a secret. GM would offer his blood, and he would gladly take it.