Sunday, October 12, 2014

The Second Vow (Div x Redder)




Warning 1: Wala itong kinalaman sa actual story ng Forlorn Madness. Fanfiction ito.
Warning 2: BOY X BOY! Not fond of boy x boy? Shooooooo!
Warning 3: WALANG LOVE SCENE
Warning 4: BITIN ITO!



The Second Vow

“Wala ka nang maisip na gawin, hindi ba? Kaya akin ka na lang…”

Hawak siya ni Solace sa kanyang leeg. He is slowly lifting him up the ground. Baliwala iyon sa kanya. Wala siyang nararamdamang kahit na ano; ang tanging mayroon lang siya ngayon ay kuryosidad.

He got more curious with his own self. Kung bakit wala siyang pakialam; kung bakit siya nababagot sa mga bagay-bagay… Bakit kailangan niyang timbangin ang bigat ng bawat tama at bawat mali? Bakit wala siyang laya na magdesisyon kung ano ang gusto niyang paniwalaang katotohanan at kasinungalingan?

“Papatayin mo ba ako kung ibibigay ko ang sarili ko sa’yo?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Redder kay Solace. He remained still, without any plans to get away from Solace’s clutches.

Solace never answered. But he loosen his grip on Redder’s neck kaya bumagsak ito, hindi sa solid ground kundi sa isang lawang kulay itim na nito lang nagmanifest. It must be Solace’s doing.

Iba ang consistency ng lawa. It’s nothing like water; it’s like black ink or black blood. Kung anupaman iyon, tuloy pa rin ang paglubog doon ni Redder.

With no sense of purpose and completely bored, ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang mapansin niyang may talim mula isang mahabang espada ang lumagos sa bandang dibdib ni Solace na galing sa likuran nito.

Natalsikan pa si Redder ng maitim na dugo ni Solace bago siya tuluyang nilamon ng lawang itim.

Samantala, dahan-dahang nahila mula sa likuran ang talim na sumugat kay Solace. Itinaon niyang tuluyang mahila ang talim; pumihit siya paharap sa kung sinong sumaksak sa kanya. He got the hold of the blade smutted with his own blood. “Hindi ako maaapektohan ng kahit na anong sugat—”

Nagkita na naman sila ni Div, ang tanging nilalang na kapareho niya ng kapangyarihan. Div is becoming a pain in the ass na hindi sana mangyayari kung dati pa lang ay iniligpit na niya ito.

“—Pero maaapektohan ka kapag tinadtad ko sa napakaraming piraso iyang katawan mo,” Div retorted.

Solace jerked the blade away from him. “Pinagbabantaan mo ba ako?” He asked in full earnest. “Bakit ka ba nandito? This has nothing to do with you. Siya ang kusang pumunta sa akin.”

“Wala akong pakialam sa iyo kaya lahat ng sasabihin mo ay hindi ko iintindihin. Ibalik mo ang prinsipe ko. Tapos.”

Nagkibit-balikat lamang si Solace. Siguro ay dapat na niyang kainisan ang kaharap na Alta; ngunit matagal na niyang kinalimutan kung paano ang mainis. Mas komportable pa rin siya kung blangko ang lahat ng kanyang ekspresyon.

Slowly, his body is liquefying. Nagsimula iyon sa kanyang mga paa, pataas sa kanyang binti. Unti-unti na siyang sumasalo sa itim na lawang tinutuntungan niya.

“Huwag mo akong lalayasan, duwag!” sigaw ni Div sa kanya.

“Hindi ba kakasabi mo lang na wala kang pakialam sa akin? Bakit ayaw mo akong umalis? Magulo kang nilalang. Sisirain mo lang ang maayos kong pag-iisip. Hayaan mo, kapag nagkaroon na ako ng sapat na dahilan para patayin ka, hindi ako mag-aatubili na puntahan ka.”

Kasabay nang tuluyang pagsanib ng katawan ni Solace sa mala-tintang likido na nasa sahig, pawala na rin nang pawala ang lawa.

Hindi ito maaari, saisip-isip ni Div.

He stepped on what remained in the lake of darkness. Nasaktan siya nang sinubukan niyang pasukin ang kadilimang pag-aari ng panibagong shadow lord. Para siyang sinuwag ng kidlat na may napakataas na boltahe.

Kahit aanga-angang  tingnan ang isang Solace Vral, hindi dapat ito minamaliit. Halos magkapantay lang sila ni Solace… at hindi siya makakapayag doon. Hindi puwedeng dalawa ang magmay-ari sa kapangyarihan ng kadiliman.

Div concentrated. The dark waters underneath his feet simmered. This time, hindi niya nilabanan ang opposite force, nag-adapt siya rito. Moments later, he was being absorbed inside. Everything goes well. Nagtuloy-tuloy ang pagkahulog niya sa karagatang ginawa ni Solace.

Natanaw niya kaagad ang pakay niya. He got a grip of Redder’s arm. Bahagya itong nagdilat. Gaya ng dati, wala itong kahit na anong ekspresyon; pero halata ni Div ang panghihina nito at ang paghihirap.

Redder cannot adapt to their current environment. He cannot breathe. The darkness is slowly consuming him.

Div steadied Redder’s head. Kailangang makahinga ni Redder hanggang sa makaahon sila. Without any second thoughts, he moved his face close enough to Redder’s. It looked like he just kissed him, but it has to be done so he could give him air.

Huminga ka, ‘wag mo akong pahirapan, Iyon ang gustong i-relay na mensahe ni Div sa kanyang prinsipe nang mariin niyang hawakan ang magkabilang balikat nito.

Hinila ni Div paitaas si Redder. Malayo-layo rin ang surface na pinilit niyang abutin para tuluyan nang makaalis sa teritoryo ni Solace.

Naiahon niya sila sa madilim na sulok ng aklatan sa kastilyong tinitirahan ng prinsipe. Sapilitan niyang hinila at pinaupo ang kanyang prinsipe sa isa sa mga couch. Div leaned on with his hands rested on the armrests.

Hindi siya makapaniwala na magagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin para lang sa isang payasong wala nang kabuhay-buhay.

Binago siya ni Redder. Isa iyon sa mga hiwaga sa buhay niya na ayaw niyang bigyan ng paliwanag.

Kahit pa mayroon silang hostility sa isa’t isa at maraming beses niyang pinagtangkaan ang buhay nito, heto pa rin sila. Bound to each other with more than just prince-knight ties.

“Tss…” hindi na itinago ni Div ang asar. Hinila niya mula sa daliri ni Redder ang signet ring na simbolo ng kanilang long standing agreement. Mukhang ito na ang huling araw niya sa serbisyo. Puwede rin namang hindi pa…

Para bang nabuhusan ng tubig si Redder sa ginawa ni Div. Kumurap-kurap siya habang pinagmamasdan ang singsing na hawak ni Div. “B-Bakit mo kinuha iyan sa akin? Ibalik mo!”

Lihim na natawa si Div. May pagkagahaman rin ang payaso. Wala nang maisip gawin sa buhay pero ayaw pang pakawalan ang mga pag-aari.

Div suddenly popped the ring inside Redder’s mouth.


Ito na ang ikalawang pagkakataon niya na susumpa sa signet ng singsing. And to seal his second vow, he roughly kissed Redder.

No comments:

Post a Comment